• AddressBrgy. Guinobatan, Calapan City, Philippines
  • Emailccc.admin@gmail.com
  • Contact(043) 288 1483

YOUTH EMPOWERMENT SEMINAR 2026, ISINAGAWA SA CITY COLLEGE OF CALAPAN

August 28, 2026

Blog Image

Tampok ang kakayahan ng kabataan sa isinagawang Youth Empowerment Seminar 2026 na may temang “Different Contexts, Common Aspirations” bilang bahagi ng paggunita sa International Youth Day.

Dinaluhan ng mga piling City Collegians ang programa na naglalayong palawakin ang kanilang kamalayan, kakayahan, at pananaw hinggil sa mahahalagang usaping kinahaharap ng kabataan sa kasalukuyang panahon.

Binigyang-diin sa seminar ang pagkakaiba-iba ng konteksto at karanasan ng mga kabataan, gayundin ang kanilang pagkakatulad sa mithiin para sa isang mas inklusibo at maunlad na kinabukasan.

Naging pangunahing tagapagsalita ng programa si Mr. Ace Abu, na nagbahagi ng kaniyang kaalaman, karanasan, at mga pananaw na nagsilbing inspirasyon sa mga dumalo.

Samantala, nakiisa rin ang mga guro at kawani ng City College of Calapan sa pagsasagawa ng programa, na naglalayong suportahan ang patuloy na paghubog at pag-unlad ng kabataan.

Sa pamamagitan ng mga programang tulad ng Youth Empowerment Seminar, binibigyang-daan ang kabataan na higit na maunawaan ang kanilang potensiyal at gampanin sa pagbuo ng isang mas inklusibong lipunan.

Pubmat I CCC Guidance and Counseling Office